Mga residente sa Parañaque City, hinikayat na isumbong ang mga nagbebenta ng COVID-19 vaccine

Muling hinikayat ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang mga residente nito na agad na isumbong sa kanila ang mga nagbebenta ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, nakarating sa kanilang tanggapan na may ilang indibidwal ang nagbebenta ngbakuna na ginagawa via online at text messages.

Bukod dito, may mga indibidwal din ang nag-aalok sa mga residente ng siguradong slot sa kanilang vaccination program kapalit ng bayad.


Giit ni Olivarez, walang bayad ang pagbabakuna ng lokal na pamahalaan at gagawin nila ang lahat para mapanagot ang mga nasa likod ng iligal na gawain.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa pulisya, barangay at iba pang sangay ng gobyerno para matigil at maaresto ang mga nagbebenta ng bakuna kontra COVID-19.

Payo naman ni Olivarez sa publiko, huwag tangkilikin ang ganitong uri ng panananamantala lalo na’t walang kasiguraduhan kung ligtas gamitin ang ibinebentang bakuna.

Facebook Comments