Mga residente sa Pasay City na walang quarantine pass, hindi na makakapasok sa mga supermarket at drug stores

Hindi na maaaring pumasok sa mga supermarket at drug store ang mga residenteng walang hawak na quarantine pass sa Lungsod ng Pasay.

Ang naturang hakbang ay bahagi ng paghihigpit para malimitahan ang mga lalabas ng bahay at matiyak na tanging ang mga may quarantine pass lamang ang nasa lansangan.

Mahigpit na seguridad din ang pinapairal lalo na sa mga boundary ng mga Lungsod ng Maynila, Parañaque, Makati at Taguig.


Patuloy naman ang pamamahagi ng mga food packs sa bawat residente ng pasay at mismong ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at barangay ang bumababa at nagtutungo sa bawat bahay.

Sa tala naman ng City Health Office, apat ang kumpirmadong may COVID-19 sa lungsod, 1 ang nakarekober habang 34 ang Person Under Investigation (PUI) pero 26 dito ay hindi taga-Pasay.

43 naman ang person under monitoring kung saan 9 dito ay hindi residente ng Pasay City.

Facebook Comments