MGA RESIDENTE SA SANTIAGO NORTE, SAN FERNANDO CITY, LA UNION, APELA ANG PAGPAPATAYO NG MGA PROYEKTONG PANG-IMPRASTRAKTURA SA LUGAR

Ipinarating ng mga residente sa Brgy. Santiago Norte, San Fernando City, La Union sa Pamahalaang Panglungsod ang mga proyektong pang-imprastrakturang hiling na maipatayo sa lugar.

Ilan sa mga hinaing ng mga residente ang pagsasaayos ng drainage system sa barangay at sa mga creek o sapa at paglalagay ng riprap upang maagapan ang posibleng pagbaha, kabilang pa ang pagsesemento ng mga kalsada upang maging maganda at ligtas sa aksidente ang mga daan.

Nais din malinawan ng mga residente sa mga permits na kinukuha sa Pamahalaang Panglungsod tulad ng building permit, individual working permit at tax declaration para sa kanilang pangangailang legal.

Bukod pa rito, imungkahi din ang paglalagak ng mas marami pang streetlights at pagbibigay ng water hose at jetmatic pumps para sa kaligtasan at pagtugon sa pangangailangan ng komunidad.

Garantiya naman ng tanggapan ang agarang solusyon sa lalong madaling panahon.

Ang naging konsultasyon ng mga residente sa Pamahalaan ay bahagi ng isinasagawang town hall meeting sa mga barangay upang ihatid sa mga residente ang mga serbisyo at direktang malaman ang pangangailangan sa mga komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments