Mga residente ng Sitio Halang Barangay San Isidro Cainta, pinagbabawalan nang lumabas

Mahigpit ng pinagbawalan ang lahat ng mga residente ng Sitio Halang Barangay San Isidro Cainta Rizal na pagala-gala o umistamba sa kanilang lugar,bilang tugon nagbahay bahay ang mga Barangay tanod llupang pakiusapan ang mga residente na huwag ng lumabas sa kanilang bahay.

Ayon kay Cezar Siocson Barangay Coordinator ng Sitio Halang Barangay San Isidro gamit ang mega phone nagbahay bahay sila para pakiusapan ang mga residente na manatili nalamang sa kanilang bahay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Paliwanag ni Siocson napakahirap pakiusapan ang kanyang mga kapitbahay na manatili nalamang sa loob ng kanilang bahay kung saan pinagbawalan na rin ang mga bata na pagala-gala sa kalye.


Naniniwala ang opisyal ng Barangay na Political Will ang kailangan upang tuluyang sumunod ang mga tao sa kautusan ng gobyerno na ipatupad ang Enhanced Community Quarantine para na rin sa kaligtasan ng ahat ng mga residente ng Cainta Rizal.

Facebook Comments