Mga residenteng apektado ng gulo sa Marawi City, hindi kinalilimutan ni Pangulong Duterte

Marawi City – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi pinababayaan ng pamahalaan lalo pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga residente ng Marawi City na matinding naapektohan ng gulo doon na ngayon ay nasa mga evacuation centers.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap na rin ng puna ng mga biktima ng kaguluhan na puro nalang militar ang pinupuntahan ni Pangulong Duterte at tila nakalimutan na ang mga residenteng hindi makauwi sa kanilang mga bahay.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kapag nakapagpahinga na si Pangulong Duterte ay bibisitahin din ni Pangulong Duterte ang mga tinatawag na internally displaced people.


Sinabi naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Ricardo Halad na 5% lang ng mga lumikas sa Marawi City ang nasa 7 evacuation Centers habang ang 95% naman ay nanirahan sa kanilang mga kamag-anak.

Umapela naman si Abella sa publiko na hayaan nalang magpahinga si Pangulong Duterte pero wala namang sinabi ang Malacañang kung hanggang kalian ito magpapahinga.

Facebook Comments