Mga residenteng apektado ng MRT-7 project, pinaghahandaan na ng NHA

Manila, Philippines – Inihahanda na ng National Housing Authority ang nasa anim na libong unit na paglilipatan sa mga residenteng maapektuhan ng MRT 7 Project na magsisimula sa Commonwealth Avenue, Quezon City patungong Bulacan.

Ayon kay Elsie Trinidad, Department Manager ng NHA Resettlement and Development Services Department, ang mga relocation site umano na paglilipatan ng mga residente na maaapektuhan ay sa bahagi ng Bulacan at sa Tanay, Rizal.

Sabi ni Trinidad, ang mga nauna ng 160 pamilya na naninirahan sa right of way ay kasalukuyan nang pinoproseso ang kanilang mga dokumento para sa kanilang nakatakdang paglipat sa relocation site sa Tanay, Rizal at sa Bulacan.


Wala naman tutol dito ang ilang mga residente na maapektuhan sa naturang proyekto basta’t ang mahalaga umano sa kanila ay mayroon silang malilipatang permamenteng tirahan na malapit sa paraaralan at palengke.

Paliwanag ni Trinidad, ang MRT 7 project ay target na makumpleto sa taong 2019 kayat maraming mga residente ang lubhang maapektuhan sa naturang proyekto pero dalawang taon lamang umano ang kanilang pagtitiis dahil pagkatapos ng naturang proyekto ay tiyak ay ginhawa naman umano ang kanilang mararanasan.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments