
Simula bukas, babakunahan na kontra COVID-19 ang mga residente sa Batangas na inilikas dahil sa banta ng sitwasyon ng Bulkang Taal.
Ayon sa Department of Health – CALABARZON, ito ay matapos na dumating ang nasa 3,500 na doses ng Sinovac kung saan magsasagawa na sila ng master list upang matukoy kung sino pa ang mga hindi nakakatanggap ng bakuna.
Kaugnay nito, ilang alkalde na ng mga bayan sa paligid ng bulkan ang nanawagan ng karagdagang supply ng bakuna upang hindi magkaroon ng problema sa evacuation.
Facebook Comments