MGA RESIDENTENG INILIKAS SA EVACUATION CENTER SA TUMAUINI, BINISITA

CAUAYAN CITY- Binisita ni Mayor Venus Bautista ang mga evacuees na pansamantalang inilikas sa evacuation center dulot ni Bagyong Kristine.

Nag-ikot rin ang mga ito sa mga vulnerable barangays upang masiguro na maayos ang kanilang sitwasyon.

Buong pwersa naman ang hanay ng Tumauini sa pagbabantay ngayong panahon ng kalamidad lalo na sa paghagupit ni Bagyong Kristine.


Kabilang sa mga paghahandang isinagawa nila ay ang pakikipagpulong ni Mayor Venus Bautista sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Council kabilang ang mga miyembro ng Emergency Operation Center (EOC) at mga Incident Management Team (IMT) upang paigtingin ang paghahanda sa bagyo.

Facebook Comments