
Tiniyak ng Palasyo ang kaligtasan ng mga Pilipinong magsusumbong sa kahina-hinalang flood control project sa kanilang lugar.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi kailangang ilagay ang pangalan ng magrereklamo kung nangangamba sila sa kanilang kaligtasan lalo na kung sangkot ang mga maimpluwensyang indibidwal o opisyal sa proyekto.
Pero paalala ng Palasyo, tiyakin na may sapat na basehan ang sumbong para hindi masayang ang oras at resources ng gobyerno.
Samantala, wala ring deadline ang pagsusumite ng reklamo sa online portal na www.sumbongsapangulo.ph.
Magiging mahigpit na rin aniya ang pamahalaan sa pagpasok ng mga bagong contractor na hahawak ng infrastructure projects.
Facebook Comments










