
Nakaalalay na rin ang Philippine Red Cross (PRC) para magbigay ng tulong sa mga residente sa Camalig, Albay.
Ito’y dahil na rin sa pagtataas ng Alert Level 3 sa Mayon Volcano dahil sa mga aktibidad nito.
Ayon sa PRC, nagkasa na sila ng isang coordination plan sa Albay at namigay ng face masks sa mga indibidwal na lilikas.
Nagbigay tulong din ang PRC sa preemptive evacuation ng mga pamilya ng Camalig.
Tiniyak ng ahensya na patuloy silang nakaantabay sa sitwasyon para sa paghahatid ng suporta sakaling mas lumalala at itaas sa Alert level 4 ang alerto sa bulkan.
Facebook Comments










