Nahatiran ng relief goods at iba pang supplies ang mga residente ng Tago, Cagwait at Marihatag sa Surigao del Sur.
Ito ay sa pangunguna ng 75th Infantry “Marauder” Battalion.
Nabatid na nakaranas ang probinsya ng pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng shear line nuong Pasko.
Kasunod nito, tiniyak ng militar na patuloy silang makikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at iba pang stakeholders para mabigyan ng tulong ang mga apektadong residente.
Layunin nilang mahatiran ng tulong sa lalong madaling panahon ang mga apektado ng kalamidad sa lalawigan.
Facebook Comments