MGA RESIDENTENG NABAHA SA UMINGAN, NABIGYAN NG TULONG

Nabahagian ng relief packs ang mga apektadong residente sa bayan ng Umingan, Pangasinan mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 1.

Matatandaan na isa ang bayan sa nakaranas ng rumaragasang baha kung saan tatlong daang bahay ang biglang nalubog dahilan umano ng hindi naisarang gate ng irrigation canal, at hindi naibukas na gate ng river system.

Nauna nang nabigyan ng tulong ang mga apektadong pamilya mula sa lokal na pamahalaan.

Pinaghahandaan na rin ang posibleng epekto na idudulot ni Bagyong Dante at umiiral na Habagat.

Samantala, nananatiling nasa ilalim ng State of Calamity ang bayan ng Umingan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments