Mga residenteng nagpagamot matapos makalanghap na volcanic smog ng taal mahigit 800 ayon sa OCD

Nakapagtala ang Office of Civil Defense (OCD) ng 850 mga residente na nagpakonsulta o dahil sa nalanghap na vog o volcanic smog mula sa Bulkang Taal.

Sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Deputy Spokesperson Diego Agustin Mariano na karamihan sa mga ito ay nakaramdam ng respiratory illness.

Isinugod aniya ang mga ito sa mga ospital sa Batangas pero mga nakauwi na rin matapos silang matingnan ng doktor at mabigyan ng reseta.


Sinabi pa ni Mariano karamihan sa mga pasyente ay nakatatanda at mga bata na silang high risk sa respiratory illness.

Sa kasalukuyan, ayon kay Mariano na wala nang vog na nakaapekto sa mga lugar sa batangas nitong mga nagdaang araw.

Facebook Comments