Pumalo na sa higit 22,000 ang bilang ng mga nakakarekober sa COVID-19 na mga residente ng lungsod ng maynila.
Sa COVID-19 monitoring ng Manila Emergency Operation Center (MEOC), umaabot na sa 22,613 ang nakarekober sa virus habang nasa 412 na lamang ang kumpirmadong kaso.
Nasa 632 naman ang suspected cases habang 681 ang probable kung saan nananatili pa rin sa 681 ang bilang ng nasawi.
Umabot naman sa 458 ang naisailalim ng Manila Health Department sa swab test sa isang araw kaya’t nasa 54,073 ang kabuuang bilang ng mga nasusuring residente at hindi residente ng Lungsod ng Maynila.
Sa kabila nito, nagpapaalala pa rin ang lokal na pamahalaan na mag-doble ingat dahil hindi pa rin nawawala ang COVID-19 kung saan mas lalong dumadami o lumalabas ang publiko ngayong holiday season.