Mga residenteng nakatira malapit sa Cagayan River na lumikas dahil sa Bagyong Marce, hindi na muna pinababalik

COURTESY: Cagayan PIO

Hindi pa pinababalik sa kanilang mga tahanan ng Office of Civil Defense 2 ang mga residenteng nagsilikas malapit sa Cagayan River.

Ito’y kahit pa bumuti na ng bahagya ang panahon matapos manalasa ang magkakasunod na Bagyong Leon, Marce at Nika.

Ayon kay OCD 2 Regional Director Leon Rafael, hindi na baleng magtagal sa mga evacuation center dahil hindi pa ligtas na bumalik malapit sa Cagayan River dahil sa paparating pang mga bagyo.


Base sa tala ng OCD 2, umabot sa 6, 070 na pamilya o katumbas ng 19, 856 na indibidwal ang naapektuhan ng nagdaang Bagyo sa Region 2.

Sa kabila nito, sinabi ni Rafael na manageable pa naman ang sitwasyon sa rehiyon at may sapat pa silang suplay ng mga pagkain at iba pang relief supplies.

Facebook Comments