Kasunod ng pananalasa ng Bagyong Marce, pinag-iingat ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga residenteng nakatira malapit sa Cagayan Valley River.
Kasama sa mga tinukoy ng OCD na lubhang delikado sa pag-apaw ng ilog ang mga nakatira malapit sa:
Baliwag River
Cagayan River
Chico River
Dummon River
Imurong River
Lasam River
Linao River
Malanao River
Pared River
at Pinacanaunan de Tugegarao
Maliban sa lubhang delikadong ilog, mayroon pang 18 iba pang ilog na posible ring tumaas ang water level at makaapekto sa mga mabababang lugar.
Rekomendasyon ng OCD, i-monitor maigi ang update sa bagyo at huwag mag-atubiling lumikas sakaling kailanganin.
Patuloy na pinapayuhan ng OCD ang mga apektadong residente na sumunod sa abiso ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalagas ng buhay.