Mga residenteng nakatira sa 21 lugar na nakaharap sa Pacific Ocean, kinalma ng NDRRMC kasunod ng malakas na lindol sa Mexico

manila, Philippines – Pinakakalma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang mga residenteng nakatira sa mga lalawigang inalerto na ng ahensya.

Ito ay kasunod ng naranasang 8.1 magnitude na lindol sa Chiapas, Mexico.

Ayon kay NDRRMC, bagamat napakalayo ng Pilipinas sa Mexico ay mas maigi pa ring handa ang mga residente na nakatira sa 21 lugar na nakaharap sa Pacific Ocean na mag-ingat sa posibleng epekto ng malakas na lindol sa Mexico partikular ang pagkakaroon ng tsunami.


Sa ngayon wala pa namang advise ang NDRRMC na pre-emptive evacuation sa mga residente ng nakatira sa 21 lugar.

Patuloy lang aniya ang ginagawang monitoring ng NDRRMC.

Facebook Comments