Pinangangambahan ngayon ng mga awtoridad sa pangunguna ng mga Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa mga bayan ng Sta. Barbara at Calasiao ang muling pag-apaw ng tubig sa mga sakop nilang kailugan dahil sa walang humpay na pag-uulan dulot ng masamang panahon.
Dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan patuloy ang monitoring ng MDRRMO Calasiao at Sta. Barbara sa mga antas ng tubig sa mga kailugan ng Sinucalan at Marusay na dulot ng habagat.
Sa ngayon, nasa above normal level na ang mga antas ng tubig sa kailugan ng Sinucalan.
Dahil dito, patuloy din ang pagpapaalala ng mga awtoridad na sakaling kailangan na ng evacuation ay huwag ng magdalawang isip pa. hangga’t maaari lumikas na kung delikado na ang lebel ng tubig.
Inabisuhan na rin ang mga kawani ng BDRRMC na manatiling aktibo at tuloy tuloy na mag monitor sa kani-kanilang nasasakupan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga residente. |ifmnews
Facebook Comments