Mga residenteng nasunugan sa Maynila, umaapela ng karagdagang tulong

Umaapela ng karagdagang tulong ang ilang mga residente na nasunugan sa may bahagi ng CM Recto sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang mga naturang biktima ng sunog ay kasalukuyang nananatili sa covered court ng Brgy. 310 malapit sa Manila City Jail.

Bagama’t nagpadala na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Manila Department of Social Welfare, hindi pa rin nito sapat lalo na ang mga naapektuhang estudyante.


Nabatid na nabot ng ika-limang alarma sng sunog na nagsimula ng alas-3:14 ng hapon at tuluyang naapula ng alas-7:56 ng gabi kung saan isang bumbero at isang residente ang sugatan sa insidente.

Sa paunang imbestigasyon, nagmula ang sunog sa isang computer shop na sinasabing pagawaan ng pekeng dokumento tulad ID at Diploma.

Nasa gitnang bahagi ang naturang shop at mabilis ma kumalat ang mga apoy dahil gawa sa mga light materials ang mga bahay.

Sa datos ng BFP-NCR, nasa 152 bahay ang nasunog kung saan 300 pamilya o 600 na indibdwal ang nawalan ng tirahan.

Facebook Comments