Mga residenteng nasunugan sa Tondo, Maynila kagabi, nanawagan ng tulong sa lokal na pamahalaan

Nananawagan ng tulong ang mga residente na nasunugan kagabi sa kahabaan ng Road 10 sa Capulong Tondo, Maynila sa lokal na pamahalaan.

Ito’y dahil hanggang sa ngayon ay wala pa kahit isa man lang departamento ng Manila Local Government Unit (LGU) ang nagtutungo para bigyan sana sila ng suporta tulad na lamang ng libreng almusal.

This slideshow requires JavaScript.


Bukod dito, wala rin umaalalay sa kanila para sana mahakot ang mga debris na nasunog na bahagi ng kanilang bahay maging ang mga basura sa paligid.

Kaugnay nito, nakaantabay naman ang mga tauhan ng barangay para magbantay upang maiwasan ang kaguluhan kahit pa ang ilan sa kanila ay apektado rin ng sunog.

Sa datos ng Bureau of Fire Protection Manila, nasa 30 bahay ang natupok kung saan aabot sa 50 pamilya ang naapektuhan ng sunog na nagsimula ng alas-7:45 ng gabi at naapula ng alas-9:25 kagabi na inabot naman ng ikatlong alarma.

Facebook Comments