Hindi pa rin nakababalik sa mga dati nilang tirahan sa gound zero ang mga residenteng naapektuhan ng giyera sa Marawi City.
Mahigit limang taon na ito mula nang sumiklab ang Marawi Siege noong 2017.
Ayon kay Dr. Rolanisah Dipatuan-Dimaporo ng BARMM – Ministry of Health at miyembro rin ng Marawi Reconstruction Conflict Watch, malayong-malayo ang sitwasyon ngayon sa lungsod mula sa 90 hanggang 95-percent na ipinangakong makukumpleto sa rehabilitasyon bago matapos ang termino noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa halip kasi aniya na iprayoridad ang pagbabalik ng mga Internally Displaced People o IDPs sa ground zero ay inuna pang gawin ang mga imprastraktura gaya ng grandstand at convention center.
Nananatili ring problema sa lugar ang suplay ng tubig at kuryente.
Kaugnay nito, nanawagan si Dimaporo sa gobyerno na bilisan na ang rehabilitasyon sa Marawi.
Sa harap na rin ito ng napipintong pagtatapos ng lease agreement sa lupang kinatitirikan ng mga temporary shelter ng mga IDPs.
rin siya na maitaas sa sampung bilyong piso ang pondo para sa rehabilitasyon at pagbabayad ng kompensasyon sa mga residenteng nawalan ng tirahan dahil sa Marawi Siege.