Mga residenteng pumila para tumanggap ng ayuda sa Barangay Muzon sa Taytay, Rizal, dismayado

Dismayado ang mga residente ng Barangay Muzon Taytay Rizal dahil pang-apat na araw nang pabalik-balik sila para makakuha lamang ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay matapos na maabutan sila nang cut-off noong Linggo kung saan natapos naman sa validation noong Lunes at walang schedule ng pay-out kahapon.

Ayon sa mga residente, balik sila sa pila ngayong araw para lamang makatanggap ng ayuda kung saan ay  tinitiis ng ilang pumipila sa Barangay Muzon sa Taytay, Rizal.


Paliwanag ng mga residente, kalbaryo ang kanilang inabot kaya umaasa sila na sana makuha na nila ang ayuda na dapat maibigay ng gobyerno.

Ayon naman kay Taytay Rizal Mayor Joric Gacula, nangangailangan pa sila ng ilang araw para matapos ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng SAP.

Dagdag pa ng Alkalde, minamadali na rin nila ang pamamahagi ng SAP subsidy ngayong araw sa Barangay Hall ng Barangay Muzon, Sta. Ana Covered Court sa Barangay Sta Ana at sa Casimiro A. Ynares ng Barangay Dolores sa Taytay, Rizal.

Sa ngayon, nasa 70 porsyento pa lang ang naipapamahaging ayuda sa mga benepisaryo ng SAP sa Taytay, Rizal.

Facebook Comments