Mga residenteng sasakupin ng granular lockdown, makakatanggap ng food packs sa halip na pera

Sa pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) with granular lockdown and alert level system sa Metro Manila simula bukas, tiniyak ng Metro Manila Council na makakatanggap ng ayuda ang mga apektadong residente.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Metro Manila Council chair at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na sa unang linggo, ang lokal na pamahalaan ang nakatokang mamahagi ng food packs.

Habang sa ikalawang linggo, ang national government sa pamamagitan ng Department of Social Welfare Development (DSWD) ang siyang nakatokang mamahagi ng ayuda.


Pero paglilinaw ni Olivarez, tanging food packs ang ipamimigay at hindi na pera.

Kapag kasi nasa ilalim ng granular lockdown ang isang lugar, tanging ang mga medical health workers, Overseas Filipino Workers (OFWs) na paalis at padating at may health emergencies ang papayagang makalabas pasok.

Ang ibang Authorized Person Outside Residence (APOR) ay hahayaang lumabas pero hindi na muna makakauwi sa loob ng dalawang linggo sa layuning ma-contain ang virus.

Facebook Comments