MGA RESORT AT COTTAGES SA LINGAYEN, MAARING IPASARA SA KAPABAYAAN SA KANILANG KLIYENTE

Ipapasara ng lokal na pamahalaan ng Lingayen ang mga cottages, sheds at resorts kapag napatunayan na may kapabayaan sa kanilang mga kliyente.

Nakasaad sa polisiya mula sa alkalde na responsable ang mga cottage at shed owners sa kaligtasan ng mga dumarayo sa kanilang pwesto bilang pangunahing katransaksyon ng mga ito sa lugar.

Ayon sa nakapanayam na LDRRMO Lifeguard ng IFM News Dagupan, kinakailangan umanong ipatupad ang kautusan kasunod ng pagkakatala ng insidente ng pagkalunod sa Lingayen Beach sa kabila ng mahigpit na pagbabantay.

Tiniyak ng tanggapan na nakatanggap ng kopya ang bawat shed owners sa bayan upang striktong maipatupad ang naturang polisiya.

Umaasa naman ang LDRRMO sa pakikiisa ng mga may-ari ganon din sa mga beachgoers sa pagpapanatili ng zero untoward incidents partikular sa posibleng pagdagsa ngayong Semana Santa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments