MGA RESORT SA CAUAYAN, ABALA SA PAGHAHANDA SA MAHAL NA ARAW

CAUAYAN CITY – Abala na sa paghahanda ang ilang resort sa lungsod para sa pagdagsa ng mga bisita ngayong Mahal na Araw.

Ayon kay Locadia Ducusin, caretaker ng isang resort, dagsa na ang mga nagpapareserba sa kanilang resort ilang linggo bago pa man sumapit ang Semana Santa.

Bahagi ng kanilang paghahanda ang dagdag na tauhan at mga promo gaya ng discounts at freebies upang mas makahikayat ng bisita.

Aniya, ito ang panahon para makabawi ng kita matapos ang epekto ng pandemya sa kanilang negosyo.

Hinikayat din niya ang publiko na magpareserba nang maaga upang masigurong may mauupahang cottage, at pinaalalahanang sumunod sa mga patakaran ng resort para sa kaayusan ng lahat.

Facebook Comments