Manila, Philippines – Kung noong una ay tumatanggi siyang magsumite ng counter-affidavit,kanina ay nagsumite na ng kanyang kontra-salaysay si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
May kinalaman ito sa 6.4-Billion shabu shipment mula sa China na nakalusot sa Bureau of Customs.
Kabilang din sa mga nagsumite ng counter-affidavit ang mga dating opisyal ng Bureau of Customs at mga brokers na nadadawit sa shabu shipment.
Nabigo namang makapagsumite ng kontra-salay si Customs Director Nilo Maestrecampo dahil may hinahanap pa itong dokumento mula sa PDEA na siyang complainant sa kaso.
Bunga nito,binigyan siya ng DOJ panel of prosecutors ng limang araw o sa October 24 para makapaghain ng counter-affidavit.
Dumalo rin sa hearing ang customs fixer na si Mark Taguba gayundin ang negosyanteng si Chin Ju Long alyas Richard Tan na may-ari ng Longfei Logistics warehouse sa Valenzuela City kung saan nadiskubre ang mahigit 600-kilo ng shabu.
Hindi naman umabot sa hearing ang negosyanteng si Kenneth Dong dahil kinailangan pa nitong kumuha ng clearance sa korte para makadalo sa pagdinig ng DOJ.
Bunga nito, pasado ala una na ng hapon nakapagsumite ng kanyang kontra-salaysay si Dong.
Sa November 3 naman itinakda ang susunod na pagdinig kung saan pinagsusumite rin ng kasagutan ang PDEA sa counter affidavits ng respondents.