Mga responsable sa isinagawang “karakol” procession at mass gathering sa Cavite, inaalam na ng DILG

Inaalam na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kung sino ang mga responsable sa isinagawang “karakol” procession at mass gathering sa General Trias, Cavite na isang paglabag sa Inter-Agency Task Force (IATF) rules and regulations.

Kaugnay ito sa viral video sa social media na ipinapakita na daan-daang mga residente sa Barangay Santiago ang hindi nakasuot ng facemask, face shields at ‘di sumunod sa social distancing.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na kailangang mapanagot ang mga may kinalaman sa nangyari dahil posibleng magdulot ito ng superspreader event


Hindi naman masabi ni Diño kung ang alkalde o ang kapitan ang nagpa-mass gathering dahil inaalam pa ng grupong ipinadala sa lugar kung sino-sino ang dapat sampahan ng kasong administratitibo at kriminal.

Sa ngayon maliban sa Cavite, sinabi rin ni Diño na inaprubahan na rin ng DILG ang pagsasampa ng kaso ng walong opisyal ng barangay sa bansa na lumabag sa health protocols.

Facebook Comments