Mga responsable sa pagkakakulong ni dating Sen. De Lima, hiniling na papanagutin din sa batas

 

Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa mga awtoridad na papanagutin ang mga responsable sa paggawa ng mga walang basehang alegasyon laban kay dating Senator Leila de Lima.

Ngayong napawalang-sala at nakalaya na si De Lima, sinabi ni Hontiveros na dapat mabigyang hustisya at maparusahan ang sinumang nasa likod nito.

Paliwanag ni Hontiveros, ang mga gawa-gawang kaso ay nagko-kompromiso hindi lamang sa reputasyon ng inaakusahan kundi pati na ang integridad ng legal system ng bansa.


Sinabi rin ni Hontiveros na noon pa man ay alam niyang walang sala ang kaniyang kaibigan at lubos ang kaniyang kasiyahan sa tuluyang pagkamit nito ng hustisya.

Pinatutunayan lamang aniya na ang dismissal ng ikatlo at huling kaso ni De Lima kaugnay sa iligal na droga ay base sa katotohanan at ebidensya at hindi batay sa mga walang basehang kaso at political motivations.

Facebook Comments