Mga retiradong Militar inaresto ng mga Pulis sa Senator Ninoy Aquino

Sampung mga retiradong sundalo ang inaresto sa magkahiwalay na search warrant operation ng Sultan Kudarat Province PNP noong weekend.

Kabilang sa mga nahuli si Rodolfo Ecija, retired master sergeant at ama ng Alkalde ng Senator Ninoy Aquino .

Arestdao rin sina Rufino Lama , Augusto G. Terosa, Calvin A. Lakandula Jr., Joel P. Gardose, Glenn Z. Brillantes ,Richard P. Devaras , Joven Andrada. Romeo Navarez at Reynaldo Dalayon.


Kabilang sa mga nakumpiska sa mga ito ang 24 high powered firearms , mga pasabog at libong mga bala mula sa ibat ibang kalibre ng baril na walang kaukulang mga dokumento.

Sinasabing tumutulong lamang sa pagbabantay ng mga ginagawang mga kalsada ang mga inaresto dahil na rin sa presensya ng mga elemento ng New Peoples Army sa bayan ng SNA.

Kasalukuyang nasa SKPPO ang mga naaresto at ang mga narecover na mga baril.

SKPNP Pic

Facebook Comments