Mga retiradong pulis, may pension increase

Makakatanggap ng dagdag sa kanilang pensyon ang mga retiradong pulis.

Ayon kay PNP spokesperson, Police Colonel Bernard Banac – naglabas na ang Department of Budget and Management (DBM) ng ₱21.6 billion para sa pension increase.

Aniya, ang differential noong Enero hanggang Hunyo ay inaasahang pumasok sa kanilang account nitong Sabado (June 29).


Aabot sa 86,000 pensioners ang makikinabang sa increase.

Facebook Comments