Mga retiradong tauhan ng PCG, nanawagan sa pamahalaan na solusyunan ang problema sa kanilang pensyon

Nananawagan ang samahan ng mga retiradong tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. na solusyunan sana ang problemang kanilang kinakaharap.

Ito’y kaugnay sa malaking kaltas sa halaga ng pensyon na kanilang tinatanggap.

Giit ng mga PCG retiree, pitong taon na silang nagtitiis sa nasabing kaltas sa kanilang monthly pension.


Karamihan sa kanila ay kinakaltasan ng halagang P8,000 – P12,000.00 kung saan malaking bagay na raw ito para pandagdag sa kanilang gastusin at panggamot.

Paliwanag ni Josefina Romero, representative at asawa ng isa sa mga retiree, panahon ng Duterte administration ng ipatupad ang Section 18 ng RA 9993 kung saan obligado silang kaltasan sa kanilang pensyon.

Paliwanag nila, taliwas ito sa inilabas na Executice Order No. 475 at 477 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel Ramos kung saan nakasaad na walang mababago at walang mababawas sa pensyon na kanilang tinatanggap.

Muli silang nakikiusap sa gobyerno lalo na kay Pangulong Marcos Jr. na bigyan pansin ang kanilang panawagan at masolusyunan ang problemang kanilang kinakaharap.

Facebook Comments