Iginiit ng mga kinatawan ng ACT-CIS Partylist sa mga ahensya o kompanya na bigyan ng prayoridad ang pagtanggap sa mga retired uniformed personnel para sa trabahong akma rin sa naging trabaho nila noong nasa serbisyo pa sila.
Ang nabanggit na kahilingan ay nakapaloob sa binabalangkas na panukalang batas nina ACT-CIS Partylist Representatives Erwin Tulfo, Edvic Yap at Jocelyn Tulfo.
Ayon kay Congw. Jocelyn Tulfo, saklaw ng panukala na kanilang ihahain ang mga retiradong sundalo, pulis, mga miyembro ng Coast Guard, Bureau of Fire at Jail Management.
Diin ni Cong. Erwin Tulfo, ang pag-hire sa mga retired uniformed personnel sa trabaho ay paraan ng pasasalamat sa kanilang pagseserbisyo para mapanatili ang kapayaapaan at kaayusan sa ating bayan.
Sabi naman ni Cong. Yap, marami ang mga uniformed personnel na maagang nagreretiro sa kanilang delikadong tungkulin sa bayan para makapiling ang kanilang pamilya pero tiyak na kayang kaya pa nilang magtrabaho.