Mga retirement pensioner na may edad 80 taong gulang pataas, kinakailangan ng mag-comply sa ACOP ng SSS

Inanunsyo ng pamunuan ng Social Security System o SSS na mula sa buwan ng Marso 2024 ay kinakailangan nang mag-comply sa Annual Confirmation of Pensioners o ACOP ng ahensya ang mga retirement pensioner na nakatira sa bansa at may edad na 80 taong gulang pataas.

Ayon sa SSS, ang naturang kautusan ay alinsunod sa ginawang pagbabago sa ACOP na inilalabas ng ahensya.

Matatandaang, dati nang naging exempted sa naturang programa ang mga retiradong pensyonado na nasa Pilipinas.


Paliwanag ng SSS para makapag-comply, kailangan ay may personal appearance o visual confirmation sa pamamagitan ng over-the-counter sa SSS branch o office at video conferencing sa pamamagitan ng SSS-prescribed internet platforms.

Kapag walang personal appearance, kailangang gawin ito sa pamamagitan ng sulat, e-mail o hindi kaya ay ang guardian at authorized representative ng mga piling bangko at iba pang paraan ng SSS.

Ang lahat ng surviving spouse pensioners at dependent children na may edad 18 anyos pataas ay kailangang magpakita ng kanilang SSS number gayundin ang SSS number ng miyembro.

Para naman sa mga non-SSS member, kailangang mag-apply para sa issuance ng SSS number sa pamamagitan ng SSS website bilang existing pensioner na may kaukulang registration sa My.SSS Portal.

Dagdag pa ng SSS na kasama pa rin sa dapat mag-comply ang mga retirement pensioner na nasa ibang bansa, mga disability pensioner, mga survivorship pensioner at mga dependent children na nasa ilalim ng guardianship.

Facebook Comments