Pinulong ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang ilang mga rice retailers sa mga pampublikong pamilihan sa kanilang lungsod.
Ito’y upang mapag-usapan ang mga alituntunin sa Executive Order 39 o pagtatakda ng presyo ng bigas sa P41.00 hanggang P45.00.
Paraan na rin ito para malaman ang kanilang opinyon, at maiparating sa kaukulang ahensya ng pamahalaan ang kanilang mga hinaing at suhestiyon.
Pinasisiguro rin ni Mayor John Rey Tiangco sa Local Price Coordinating Council na bawat maaapektuhan rice retailers sa ipinatupad na price ceiling ay mabibigyan ng ayuda.
Nauna ng umikot ang mga tauhan ng Business Permits and Licensing Office at City Agriculture Office para imonitor ang pagsunod ng mga tindahan ng bigas sa EO 39 kung saan binigyan babala naman ang hindi makakasunod dito.