Abot sa 1,000 rice stakeholders ang tinipon ng Department of Agriculture (DA) para makabuo ng mga kongkretong polisiya at programa sa ilalim ng Rice Tariffication Law.
Kabilang sa mga nakikibahagi ngayon sa National Rice Industry Stakeholders Conference sa Iloilo Convention Center ay mga rice traders, farmers’ organization, farm input providers, processors, agribusiness players, buyers, agriculturists at extension workers.
Layunin ng kumperensya na madetermina ang angkop na teknolohiya at makinarya para mapataas ang produksyon at madoble ang kita ng mga local farmers.
Pinag-usapan din kung paanong mabibigyan ng access ang mga kababaihan at bulnerableng sektor sa mga rice programs at project ng DA.
Ang mga rekomendasyon sa session ay gagamitin para sa implementasyon ng Philippine Rice Industry Roadmap hanggang 2040.