MGA RIVER SYSTEM SA PANGASINAN, UMABOT SA ABOVE CRITICAL LEVEL

Lahat ng anim na binabantayang river system sa lalawigan ng Pangasinan ay umabot na sa above critical level.

 

Sa monitoring Pangasinan PDRRMO as of 9:30 AM ngayong araw, ang Marusay River sa Calasiao, umapaw at inabot na ang 10ft.

 

Ganun ang Sinucalan River sa Sta. Barbara na nasa 7.4 meters above sea level mula sa critical level nito 7m, habang nasa 8.7m na rin ang lebel ng tubig sa Bued – Cayanga sa San Fabian.

 

Ang Balincaguing River sa Mabini mula sa normal level nitong 2m, ngayon umabot ito sa 8m, at ang Agno – Banaga sa Bugallon, mataas na rin ang ilalim.

 

Mula sa Orange, nakataas na sa Red Alert Status ang Pantal River sa Dagupan kung saan hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang nararanasang malawakang pagbaha.

 

Patuloy naman ang monitoring ng awtoridad sa sitwasyon sa lalawigan, habang inabisuhan ang mga Pangasinenses na maging alerto at handa sa lahat ng pagkakataon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments