Ininspeksyon ng lokal na Pamahalaan ng Tayug ang mga road projects upang siguruhing nasusunod ang mga itinakdang regulasyon sa konstruksyon ng mga proyekto.
Isa lamang sa pinuntahan ay ang kalsada sa bahagi ng Tayug Central School na sakaling matapos ay malaking tulong sa mga estudyante.
Ang mga kasalukuyang road projects ay bahagi umano ng pagsisiguro sa kalidad at bilis ng mga proyektong pang-imprastruktura upang makapagbigay ng ligtas at magandang uri ng transportasyon sa mga residente.
Samantala, Ilan pang proyekto ang Inaasahan ngayong taon na makakatulong sa progreso ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments