Manila, Philippines – Suspendido na ang mga road re-blocking at road repairs sa mga pangunahing lansangan sa metro manila simula sa November 1.
Ayon sa MMDA , ito’y upang hindi na makadagdag pa sa pagsisikip sa daloy ng trapiko para sa papalapit na Christmas rush.
Kasama na din sinuspende ang excavation projects kung saan tatagal ang suspensyon hanggang sa January 15, 2018.
Dagdag pa ng MMDA, pumayag ang DPWH; mga water, telecommunication at electrical companies, gayundin ang mga private contractors sa kanilang kahilingang suspendihin ang lahat ng road projects.
Ang tanging exemptions sa ilalabas na memorandum circular ay ang patuloy na konstruksyon sa skyway 3, ang ginagawang mga tulay at pagsasa-ayos ng mga drainage.
Facebook Comments