TATLONG BUWANG LIBRENG SAKAY HATID NG LINGAYEN DAGUPAN TRANSPORT COOPERATIVE, NAGSIMULA NA

Sa pagpapatuloy ng Service Contracting Program Phase II, ilan pang mga kooperatiba ang nagbigay ng Libreng Sakay sa kanilang mga ruta gamit ang iba’t ibang transportasyon para sa ating Health Care Workers at APORs.

Nilahukan ito ng nasa 28 units o sasakyan at opisyal na nag-umpisa kahapon October 4 at magtatapos sa December 31,2021.

Mula alas sais ng umaga hanggang alas sais ng hapon ang kanilang biyahe na babagtasin ang Lingayen-Dagupan vice-versa at Dagupan-Sual via Lingayen.


Magandang balita sa ating mga commuter ang balitang hatid ng Lingayen Dagupan Transport Cooperative ang tatlong buwang libreng sakay program hatid ng LTFRB.

Maagang pamasko ito lalot malaking tipid sa pamasahe kung tutuusin. Kaya naman sa ating mga Idol abangan na sila.

Facebook Comments