Balik normal na ang mga ruta ng jeep sa Dagupan City matapos ipatupad ang mga bagong panuntunan kahapon.
Ayon sa Public Order and Safety Office (POSO) Dagupan, pinayagan nang bumalik sa kanilang dating ruta ang mga jeep na biyaheng Mangaldan, San Jacinto, San Fabian, at Manaoag hanggang sa Rizal St.
Samantala, ang mga jeep na bumibyahe patungong Calasiao ay pinayagan na muling dumaan sa Perez Boulevard at kakaliwa sa Mayombo.
Sinabi ni POSO Dagupan Deputy Chief Rexon De Vera na two-way na muli ang bahagi ng Perez Boulevard na dating isinara, dahilan upang mas maging maluwag ang daloy ng trapiko sa lugar.
Para sa mga tsuper, malaking ginhawa ang hatid ng pagbabalik sa normal ang daloy ng trapiko, na nagdulot ng bahagyang paggaan sa kanilang biyahe.
Inaasahan din na matatapos na ang ilang mga isinasagawang kalsada sa lungsod upang mas lalong maging maayos ang daloy ng trapiko sa hinaharap. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨