Pinatutukoy na ng Department of Transportation (DOTr) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga rutang pwedeng buksan para daanan ng mga pampasaherong jeepney.
Ito ay sa gitna ng kabi-kabilang panawagan ng mga jeepney driver na payagan na silang makabiyahe.
Ayon kay DOTr Senior Consultant Engineer Alberto Suansing, inaasahang maisusumite na ng LTFRB ang listahan ng mga ruta na pag-aaralan naman ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Aniya, hindi basta makakabiyahe ang mga jeep kung walang permit mula sa LTFRB.
Pero hindi naman aniya ibig sabihin na kinakansela na ang kanilang prangkisa.
Iginiit din ni Suansing, na gastos ng mga driver at operator ang paglalagay ng safety protocol gaya ng ginagawa ng mga bus operators.
Facebook Comments