Mga Sakay ng Kuliglig, Sugatan Matapos Mabangga ng SUV sa Cagayan

*Cauayan City, Isabela*- Sugatan ang mga biktima ng aksidente na kinasangkutan ng isang kuliglig at van bandang alas singko y media kaninang madaling araw sa Brgy. Baybayog, Alcala, Cagayan.

Nakilala ang mga biktima ng kuliglig na sina Nolie Martinez, nasa tamag edad, may asawa, isang magsasaka at April Joy Digap, nasa tamang edad at kapwa mga residente ng Brgy.Pared, Alcala, Cagayan habang ang mga suspek ay kinilalang sina Victorino Vicente Ignacio, 46 anyos, tsuper ng pick-up, may asawa, isang government emloyee ng LGU Mallig at residente ng Brgy.San Jose Norte at si Bernardo Digap, 67 anyos, tsuper ng van at residente ng Lasam, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Alcala, lumalabas na binabagtas ng drayber ng kuliglig ang pambansang lansangan patungo sa kanilang lugar gayundin ang nasabing van at ilang sandali pa ay hindi napansin ng drayber ng van na may kuliglig sa kanyang harapan at wala naman naman itong reflectorized sticker sa likuran ng kuliglig na dahilan para mabangga ng nasabing van habang tumilapon naman ang sakay ng kuliglig na kinilalang si April Joy na may matinding tama sa kanyang bahagi ng kanyang ulo.


Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya, hindi umano nakontrol ng van ang harapang bahagi ng kanyang gulong na dahilan para pumagitna sa daan na sakto namang paparating ang isang Pick up na mabilis ang pagpapatakbo na patungo naman sa Baggao dahilan upang magkabanggaan ang dalawang SUV.

Agad namang dinala ng rumespondeng rescue team ang mga biktima sa pinakamalapit na pagamutan habang ang tsuper ng Pick-Up ay ikinustodiya sa pulisya para sa kaukua\lang disposisyon.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente.

Facebook Comments