
Tumaob ang isang container van na may kargang yelo sa Paldit National Highway, Sison, Pangasinan kahapon, Nobyembre 18, matapos pumutok ang gulong sa likurang bahagi ng sasakyan.
Dahil dito, nawalan ng kontrol ang driver at tuluyang bumaligtad ang van sa kalsada. Ayon sa tala, walang nasaktan sa insidente at ligtas ang lahat ng sakay.
Mabilis namang rumesponde ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Sison, katuwang PNP at BFP Sison, upang maisagawa ang rescue operation at masiguro ang kaligtasan sa lugar. Kalaunan, agad namang naayos ang sitwasyon at naiangat ang van.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang komunidad sa dedikasyon at patuloy na serbisyo ng mga first responders para sa kaligtasan ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









