Mga sakit na nakukuha sa tagtuyot, binabantayan ng DOH

Mino-monitor ng Department of Health (DOH) ang mga sakit na bunga ng tagtuyot.

Kabilang dito ang water contamination, food-borne at vector-borne illnesses.

Ito ay matapos na makapagtala ang DOH mula Enero ng 469 kaso ng sakit na may kinalaman sa kontaminadong tubig sa Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 11 at 4-A.


Bukod pa rito ang 59 kaso ng food-borne illnesses sa NCR, Region 10, at BARMM.

Habang 137 kaso ng dengue at chikungunya sa Regions 10 at 4B.

Nilinaw naman ng DOH na hindi pa alarming ang naturang mga kaso.

Wala namang naitala ang DOH na kaso ng heat stroke kaya pinapayuhan nito ang publiko na iwasang magbilad sa araw.

Facebook Comments