Mga sakit na posibleng tumama kasabay ng El Niño, pinaghahandaan na ng DOH

Puspusan na rin ang ginagawang paghahanda ng Department of Health (DOH) kasabay ng inaasahang pag-usbong ng mga sakit kaugnay ng panahon ng tagtuyot.

Sa pulong ng El Niño team sa Office of Civil Defense (OCD) kahapon, sinabi ni Dr. Irvin Miranda ng DOH na nakahanda na ang kanilang health facilities.

Naglabas na rin aniya ng memorandum ang health department sa mga LGU upang paghandaan ang epekto ng matinding tagtuyot lalo na sa kalusugan ng kanilang mga nasasakupan.


Maaari aniyang dumami ang water borne diseases tulad ng diarrhea, cholera, typhoid at amoebiasis dahil marami ang mag-iimbak ng tubig at maaari itong makontamina.

Posible rin aniyang tumaas ang kaso ng dengue.

Dahil dito, tiniyak ng opisyal na mayroon silang sapat na suplay ng gamot at pondo saka-sakaling sumipa ang kaso ng mga nabanggit na sakit sa panahon ng tag-init.

Facebook Comments