Mga sakit tuwing tag-ulan, dapat paghandaan – DOH

Pinaghahanda na ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga sakit na maaaring makuha sa tag-ulan at kung paano ito maiiwasan o malalabanan.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – mahalagang panatilihin ang proper hygiene at paglilinis sa kapaligiran upang hindi magkaroon ng mga sakit gaya ng diarrhea, typhoid fever, cholera, leptospirosis, malaria at dengue.

Payo pa ng kalihim na iwasang maglangoy o sumuong sa tubig-baha at linisin ang loob at labas ng bahay.


Ang typhoid fever, cholera at leptospirosis ay water-borne diseases o nakukuha sa tubig.

Ang malaria at dengue naman ay vector-borne diseases na nakukuha sa lamok.

Facebook Comments