Tuwang tuwa ang mga residente ng Malabon na nakatanggap ng bagong saklay at blind stick.
Ginawa ang pamamahagi kasabay ng pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week.
Ayon sa ilang nakausap natin, masaya sila dahil mapapalitan na ng bago ang kanilang ginagamit na gabay sa paglalakad.
Mas mainam anila na bago ang kanilang saklay dahil dito nakasalalay ang kanilang pagkilos.
Aabot sa 74 na nakakatanda at residente ng Malabon ang nabigyan ng regalo.
Kabilang na dito ang 9 na saklay, 18 single canes, 3 blind sticks, 20 adult walkers at 24 na quad cane.
Facebook Comments