Mga samahan ng jeepney operators at drivers, dudulog na sa Senado para ipatigil muna ang PUV phaseout

Hihilingin sa Senado ng mga samahan ng mga operator at drayber ng pampasaherong jeepney sa Luzon na ipatigil muna implementasyon ng Public Utility Vehicles (PUV) phaseout.

Magtutungo ngayong umaga sa Senado ang iba’t ibang jeepney federations at associations para ihain ang kanilang petisyon.

Isang motorcade caravan ang kanilang gagawin sa pagtungo sa Senado para iparating ang kanilang kahilingan.


Ang gagawin ng mga tsuper at operators ay suportado naman ng ibang jeepney associations sa Angeles at Clark sa Pampanga sa Central Luzon at ilan sa kanila ay pupunta rin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Region 3 para makiusap.

Una nang umapela sa Senado at Kongreso ang ACTO at PISTON, at hinihiling na palawigin pa ang deadline ng PUV modernization sa December 31 hanggat umiiral ang pandemya.

Facebook Comments