MGA SANGANG SAGABAL SA KALSADA, PINUTOL SA MANGALDAN

Nagsagawa ng pruning operation ang Mangaldan Quick Response Team upang tapyasin at putulin ang mga sangang sagabal sa daanan at maaaring makaapekto sa mga motorista at residente.

Isinagawa ang operasyon sa mga barangay ng Salaan, Palua at Navaluan.

Maaari umano kasing maging banta sa kaligtasan ng mga motorista at residente ang mga sangang nakahambalang o di kaya umaabot na sa dinadaanan.

Ayon kay MQRT Team Leader Ernie Cuison, mahalaga ang mga preventive measures tulad nito nang sa gayon ay maibsan ang maaaring aksidenteng maidulot sa kalsada at sa komunidad.

Tugon din ito ng grupo matapos na makatanggap ng ulat sa ilang residente na nababahala dahil sa malakas na ulan at biglang bugso ng hangin na naranasan noong Linggo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments