Mga sangkot sa banggaan ng dalawang sasakyan na ikinasugat ng tatlong indibidwal sa Quezon City, inisyuhan ng show cause order ng LTO

Inisyuhan ng show cause order ng Land Transportation Office (LTO) ang mga sangkot sa nangyaring banggaan sa C.P. Garcia Avenue kanto ng Purok Aguinaldo, Barangay U.P. Campus, Quezon City nitong Biyernes kung saan ikinasugat ito ng tatlong indibidwal.

Ipinatatawag ng LTO-Intelligence and Investigation Division ang parehong driver at rehistradong mga may-ari ng Mitsubishi Montero Sport at Toyota Revo sa kanilang Central Office.

Kung saan ipinasusumite ng ahensya sa mga sangkot ang isang beripikadong paliwanag upang ipakita kung bakit hindi dapat sila managot sa ilalim ng ‘reckless driving’ at kung bakit hindi rin dapat suspendihin o bawiin ang kanilang mga driver’s license.

Sa ngayon ay inilagay ng LTO ang mga nasabing sasakyan sa alarm status habang sinuspinde naman sa loob ng 90 araw ang lisensya ng mga driver na agad ding isisuko sa IID.

Gaganapin naman ang pagdinig sa Huwebes, October 30.

Facebook Comments